walang utang na loob
ano nga bang culture ng PUP sa mga mata ng hindi PUPian o maski na rin sa mata ng kpwa natin PUPian???
Na-realize ko lang to sa discussion namin ng Intercultural/International Communication...sa mata ng ibang tao.. pag sinabing Atenista, malamang ang sagot sayo matatalino at mayayaman, puno ng mga magaganda at guwapong mga tao....pag UP- bahay ng mga iskolar ng bayan, mga matatalino-genius at pinanggagalingan ng mga namumuno sa ating bansa.
e pano pag sinabing PUP? PUPian ka man o hindi, karamihan ng isasagot eh... bahay ng mga aktibista.. Ito angkultura ng mga PUPian ayon sa mata ng mga taong nakakakilala sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Bakit nga ba tayo nabansagang pugad ng mga aktibista at kumakalaban sa ating gobyerno AT PATI NA RIN SA SARILING IMAHE NG PUP.
Di naman masamang ipaglaban ang karapatan nating mga mag-aaral, pero ang katotohanang dito tayo natututo sa mga pinili nating kurso... Kinatasan natin ang PUP, bkit natin kailangan dungisan ang pangalan nito. San ka ba makakakita ng Unibersidad na bagamat hindi kumpleto sa pasilidad at mga propesor ay kakikitaan mo ng mga estudyanteng pumapantay sa galing at talino ng mga estudyanteng puno sa mga kagamitan.Marami dyang mga paaralan na puno nga sa kagamitan, maraming propesor, guro at pasilidad ngunit kakunti lang ang studyanteng masasabi mong estudyante. Pag galing sa ibang Unibersidad ang mga kilalang personalidad napapansin natin, pero ang mga taong minsa'y nanggaling sa PUP, sila ang patunay na hindi naging hadlang ang mga problema ng PUP.... Salat man ang PUP sa napakaraming bagay, masasabi kong maswerte ang mga nag-aaral dito dahil kaya nating humarap sa mga pagkukulang na ito, gayundin sa mga darating na problema. Sa dami ng naranasan ko sa loob ng tatlong taong kong pag-aaral, masasabi kong hindi man kasing-ganda at kumpleto ang mga gamit namin sa Kolehiyo ng Komunikasyon , tinuruan ako nitong maging mas matiyaga at matiisin. Sa dami ng problemang kinaharap ko at ng aking mga kaklase, marami na kaming nalamn. mas marami kaming karansan at kung ano mang problema pang darating makakaya namin.
Sa mga PUPian, patunayan nating hindi kailanman magigng hadlang ang kakulangan natin sa kung anong bagay sa matutunan natin. Hindi lang ang apat na sulok ng bulok at mga sirang silid ng PUP tayo dapat matuto... kailangan nating lumabas at hayaan nating ang mga problema sa ating paligid ang magturo sa atin ng mga dapat natingmalan. Mlakng pagpapasalamat dapat ang ibigay natin sa ating unibersidad, hindi ang pagpapamukha sa mga kakulangan nito.
Hindi ako taliwas sa mga ipinaglalban ng mga aktibista, may mga bagy din akong gustong ipaglaban. pero kung hindi pagtanaw ng utang na loob para sa unibersidad natin, wag na.