Wednesday, September 3, 2008
Kung ang Peyups ay may Oble, Ang Piyupi naman ay may Mural!
Noong unang araw kong makapunta sa PUP, nasa ika-apat na baitang pa lamang ako ng hayskul non at kukuha pa lamang ng entrance exam para makapasok sa kolehiyo, una ko na agad napansin ang isang mahabang mural na nasa kanang bahaging pader na nagdudugtong sa dating pasukang gate ng Unibersidad. Dahil sa mausisa ako sa mga bagay na may kinalaman sa sining, huminto muna ako sa harap ng malaking obrang iyon at tinignang maigi ang mural.
Maayos ang pagkakagawa. Malinis. At, detalyado!
Saka ko na nalaman ang iba pang detalye patungkol sa Mural na iyon nang maging isa na ako sa libu-libong estudyanteng pinalad na makapag-aral sa Unibersidad na iyon: Sa PUP.
"The sculpture (Cut and welded brass mural relief, 2.5 x 9.3 meters) was built by national artist Eduardo Castrillo in 1974. The theme of the artwork is Consolidated Growth through Education - the role of PUP in the educational development of the youth in preparation for their involvement in nation building. The mural illustrates the social, economic, industrial, technological, and cultural aspect of life with which man blends himself to develop an environment necessary to the progress of the nation.
The mural is located at the main gate of the University Mabini Campus. The brass sculpture depicts the purposeful growth of the Filipino youth. It also signifies the role and responsibility of the youth in the progress and development of the nation, which the University recognizes. As an institution dutifully concerned in shaping the lives of the youth, the University pays tribute to the hope and builder of the world tomorrow through this artistic interpretation."
Sabi nga, larawan na ng isang unibersidad ang sining na mayroon ito. Simbolo ito ng integridad at layunin ng paaralan. At mananatili itong nakatayo, at lalo pang titibay, kung ito'y pangangalagaan at lalo pang mamahalin.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, bisitahin:
PUPian. PUP Yan!
Sa mata nila:Views about PUP mural
Bawat umaga makikita sa ating sintang paaralan ang mga abalang estudyante na nagkakandarapang pumasok sa makipot na mga gates ng paaralan. Pero sa bawat labas masok nila tila di nila napapansin ang isang obra na ilang dekada na ang tanda.
Ang obrang ito ay isang myural na likha ni Eduardo Castrillo, isang tanyag na pambansang manlilikha o national artist, noong 1974. Ang tema nito ay pinagtibay na pag-unlad sa pamamagitan ng edukasyon o Consolidated growth through education. Ang obra ni Ed Castrillo ay nasa main gate ng Mabini kampus. Nakalagay sa isang lugar kung saan makikita ng bawat estudyanteng dumadaan upang ipaalala ang taglay nitong kahulugan. Pero sa napaka-abalang buhay ng mga estudyante, napapansin pa kaya nila ito? Nag ikot ikot kami sa PUP main campus para tanungin ang ilan sa ating mga kamag-aral tungkol sa myural.
Si Maribel, isang mag-aaral ng BS accountancy sa ikatlong taon, ay nagsabing di niya napapansin ang myural lalo na raw at nasa labasang bahagi raw ito. Tila ang iba sa ating kamag-aral ay di napapansin at napapahalagahan ang obrang ito. Kasama na rin si Merlin ng CCMIT na nasa unang taon at nagsabing kapag dumadaan sila ng mga kaibigan niya ay di nila napapansin ang myural. Oo nga naman. Paano nga naman mapapansin ng mga studyante ang myural kung paglabas nila ay ang nasa isip lang nila ay ang makauwi? Ngunit sapat ba itong dahilan upang isawalang kibo na lang ito? Nakakalungkot isipin na ilan sa aming mga nakausap ay hindi nabibigyan ng pansin ang obra. Ang iba na ma’y ni hindi man lamang alam kung ano ang itsura ng myural.
Sa kabila nito, mayroon pa rin namang nagpapahalaga rito at may ideya kung ano ang ibig ipahiwatig nito. Si Jessielyn, isang studyante ng CEFP na nasa unang taon, ay nagsabing para sa kanya ay may “contrasting sides” ang myural. Mayroon daw magkaibang ideya na napaploob sa dito.
Hindi man tumpak ang kanilang mga opinyon sa tunay na kahulugan ng obra, nakatutuwa pa ring isipin na mayroon pa rin tayong mga kamag-aral na humihinto, tumatanaw at nagbibigay ng pansin sa mga bagay-bagay sa ating unibersidad tulad ng kahanga-hangang PUP myural. Sa panahon ngayon, sa gitna ng mabilis, maingay at paminsan-minsa’y magulong takbo ng ating buhay bilang mag-aaral ng ating sintang paaralan, magandang pagkuhanan ng inspirasyon upang magpatuloy, ang mga simpleng bagay.
Paano kaya natin masusulosyunan ang kawalan ng kaalaman ng ilan sa ating mga kamag-aral ukol sa myural? Magpakalat tayo ng pulyeto? Lagyan natin ito ng ilaw? O kaya’y ibaba natin ito nang kaunti para maging eye-level ito at madaling mapansin lalo na ng mga dumadaan sa labasang bahagi ng kampus?
Marahil, ang pinakamaganda at simpleng paraan ay ang pagbibigay-alam o pagbabahagi ng mga impormasyon ukol dito --- sa tulong ng mga guro at mga organisasyong pinatatakbo ng mga estudyante, mga namumuno sa mga organisasyong ito at pati na rin sa tulong ng ating mga sarili. Magtanong tayo. Makialam. Makibahagi.
by:Paola Rueda & Linky Flores