Wednesday, September 3, 2008
Kung ang Peyups ay may Oble, Ang Piyupi naman ay may Mural!
Noong unang araw kong makapunta sa PUP, nasa ika-apat na baitang pa lamang ako ng hayskul non at kukuha pa lamang ng entrance exam para makapasok sa kolehiyo, una ko na agad napansin ang isang mahabang mural na nasa kanang bahaging pader na nagdudugtong sa dating pasukang gate ng Unibersidad. Dahil sa mausisa ako sa mga bagay na may kinalaman sa sining, huminto muna ako sa harap ng malaking obrang iyon at tinignang maigi ang mural.
Maayos ang pagkakagawa. Malinis. At, detalyado!
Saka ko na nalaman ang iba pang detalye patungkol sa Mural na iyon nang maging isa na ako sa libu-libong estudyanteng pinalad na makapag-aral sa Unibersidad na iyon: Sa PUP.
"The sculpture (Cut and welded brass mural relief, 2.5 x 9.3 meters) was built by national artist Eduardo Castrillo in 1974. The theme of the artwork is Consolidated Growth through Education - the role of PUP in the educational development of the youth in preparation for their involvement in nation building. The mural illustrates the social, economic, industrial, technological, and cultural aspect of life with which man blends himself to develop an environment necessary to the progress of the nation.
The mural is located at the main gate of the University Mabini Campus. The brass sculpture depicts the purposeful growth of the Filipino youth. It also signifies the role and responsibility of the youth in the progress and development of the nation, which the University recognizes. As an institution dutifully concerned in shaping the lives of the youth, the University pays tribute to the hope and builder of the world tomorrow through this artistic interpretation."
Sabi nga, larawan na ng isang unibersidad ang sining na mayroon ito. Simbolo ito ng integridad at layunin ng paaralan. At mananatili itong nakatayo, at lalo pang titibay, kung ito'y pangangalagaan at lalo pang mamahalin.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, bisitahin:
PUPian. PUP Yan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment